Lunes, Marso 6, 2017

10 Patok na pagkain kapag tag-init

Tagaktak ang pawis tuwing tag-init. Sa ganitong mga panahon, ninanais na lang ng ilan na manatili sa bahay o kaya pumasyal at maligo sa dagat. Habang ang iba, pinapawi ang init at uhaw sa pamamagitan ng pagkain o pag-inom ng mga pagkaing patok tuwing summer.



Pangunahing hinahanap ng tao kapag tag-init ay ang halu-halo. Makita lang ang yelo, nakalalamig na ng pakiramdam. Simple lang ang mga rekado ng halu-halo. Mayroong minatamis na monggo beans, white beans, saging, macapuno, pinipig, gulaman, sago, gatas, asukal, leche flan, ube at yelo. Minsan namamawa nito sa bahay dahil kakailanganin mo lang ng basong lalagyan at pandurog ng yelo. Kung nais naman matikman ang kilala ng masarap na halu-halo sa Pilipinas, maaaring dumayo sa Bacoor, Cavite at hanapin ang Original Digman Halu-halo. Buong taon, mayroon na ring halu-halo sa ilang tanyag na fastfood gaya ng Razon’s of Guagua na tanging saging, macapuno, gatas, leche flan at yelo ang rekado pero napakasarap.


Marinig lang ang tunog ng kalimbang ni Manong Sorbetero, agad agad na lalapit na ang mga bata para bumili ng malamig na sorbetes. Sa murang halaga, may isang apa o basong ice cream ka na. Ang iba, ginagawa pa itong palaman sa tinapay. Kung hindi naman mapadaan ang tindero ng ice cream,madali na lang bumili sa mga supermarket at kainin kasama ng pamilya. Ilan sa mga patok na flavor ay ang keso, ube, vanilla, chocolate, cookies and cream, halu-halo, mango at double dutch. Kung gusto naman ng kakaibang flavor, isang ice cream house ang pwedeng dayuhin sa Mall of Asia. Mayroon silang ice cream na green mango flavor with bagoong, wasabi ice cream, salted egg ice cream, snack attack o ‘yong ice cream na may halong tsitsirya, ice cream na binudburan ng bawang, ice cream with bacon, turon ice cream, taho ice cream at chili tamarind ice cream.

Kahit saan magpunta, samalamig ang madalas makitang ibinebentang pamatid-uhaw at pantaggal init. Bukod sa mura, marami pang pwedeng pagpilian. Mayroon itong sahog na sago’t gulaman depende sa flavor. Mayroong melon flavor, mango, ube, ube macapuno, coffee, chocolate, buko, buko pandan, buko melon, salad, at pineapple. Madali lang itong gawin sa bahay dahil madali lang mabili ang mga halo. Yelo at asukal lang ang kailangang idagdag. Maganda rin daw itong negosyo dahil mura lang ang puhunan. Kailangan lang maging maayos at malinis ang lalagyan para maging kaaya-aya sa mga bibili.
Kung mapadpad naman sa mall at maghanap ng inuming katumbas ng samalamig sa kanto, maaaring bumili ng milk tea. Ito ay malamig na tsaang hinaluan ng gatas at iba pang pamapalasa. May kamahalan nga lang pero sulit naman sa lamig at lasa.



4. Shake
Ang shake ay dinurog na yelong hinaluan ng iba’t ibang pampalasang maaaring gawa sa powder o di kaya’y sariwang prutas. Usong halo rin ng shake ngayon ay ang itim na sago na kilala sa tawag na pearls. Patok ito dahil may paniniwalang mas nakapapawi ito ng uhaw dahil mararamdaman pa sa dila ang yelong kasama.
Shake din kung maituturing ang ice scramble na patok sa mga bata. Mayroon itong toppings na tsokolate at gatas.



5. Ice candy
Kung pamurahan ang usapan, panalo na ang ice candy pagdating sa pagpapalamig ng mga naiinitan. Sa halagang piso, pwede ka ng makatikim ng paboritong ice candy. Patok pa rin ang buko salad at avocado flavor. Madali lang itong gawin sa bahay dahil titimplahin lang ang gustong flavor saka ilalagay sa plastic at patitigasin. Ilang oras lang, maaari na itong kainin.





2 komento:

  1. microtouch titanium trim & price comparison | TITNIA | ATS
    Shop titanium max trimmer for microtouch titanium titanium coating trim & price comparison with mens titanium necklace our price comparison guide! Tinted, Silver. Rating: 5 · ‎2 reviews · titanium max ‎$50.00 · ‎In titanium vs steel stock

    TumugonBurahin
  2. The best Tlg ang mga nabanggit para ma ibsan ANG taginit tulad Ng ice-cream halo halo ice candy SA palamig but the most is stay hydrated Wag mag painit or mag bilad SA araw umiinom palgi Ng tubig and relax chill and enjoy everyday of your life thanks..

    TumugonBurahin